Chapter 9

3170 Words
Sandra’s POV GINAWA ko ang dapat na gawin sa loob ng opisina. Alas dyes y media na nang macheck ko lahat ng business emails. Hindi ko na rin napansin ang oras kanina dahil sa sobrang busy ko sa pagchecheck ng email. Hindi rin lumabas si Mr. Montemayor buong umaga at nakaupo lamang ito sa kaniyang mesa. He’s busy looking at his monitor at kung hindi doon ay sa cellphone nakatuon ang kaniyang atensyon. Muli ay tumingin ako sa aking relos. Alas onse na kaya siguro oras na para lumabas ako. Hindi ako nakapagbreaktime kanina kaya siguro okay lang na maaga akong lumabas ngayon para sa tanghalian ko. 11:15 dapat ang lunch time ko ngunit maaga akong lalabas ngayon gayong natapos ko na naman ang pagchecheck ng email tulad ng pinangako ko kay Mr. Montemayor kanina na tatapusin ko ito bago ang tanghalian. I fixed my table. Itinapon ko ang mga papel na hindi na mapakinabangan at inilagay sa bag ko ang mga personal na gamit ko mula sa mesa. I then shut the monitor down saka ako tumayo at bumaling ng tingin sa kay Mr. Montemayor. Hindi niya ako binalingan ng tingin ngunit alam kong alam niyang nakatayo ako ngayon sa kaniyang harapan. Hindi ko lang alam kung bakit parang umaasta siyang hindi ako nakikita. “Sir, maaga akong lalabas ngayon. Hindi naman ako nakapagbreaktime kanina. Saka I already did what I promised to you earlier, I already done checking the necessary email,” wika ko habang nakatingin sa kaniyang gawi. Hindi ito bumaling sa akin o kahit ang tumango man lang sa halip ay nanatili lamang itong nakatingin sa kaniyang monitor at nagtitipa nang kung ano doon. He’s wearing his eyeglasses. He looks more arrogant with his image right now. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya. Sa halip na hintayin ang pahintulot niya ay tinalikuran ko siya ay nagsimula na rin akong humakbang papalabas nitong room. I did a couple of steps hanggang sa makarating ako sa tapat nitong pinto. Siguro ay naririnig na naman niya ang sinabi ko. Sobrang lapit lang namin. I know, silent means yes kaya sa pananahimik niya at ang hindi pagsagot sa paalam ko ay alam kong ang ibig sabihin n’on ay payag siya sa maagang pag—alis ko para sa tanghalian. I then place my hand to the door know. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto para sa paglabas ko nang mapahinto akong bigla. The hard tone voice suddenly covered the whole room. Hindi ko pa nga nabuksan ang pinto ay kaagad ko na rin iyong nabitawan. “You are not leaving for break, Miss Fuentes.” Ang boses niya ang siyang nagpapahinto sa akin bigla. Napakunot ako ng aking noo. Nais kong linawin ang binitawan niyang salita at baka nagkakamali lamang ako ng dinig. Dahan—dahan kong hinarap siya. Ngayon ay nakatingin na siya sa aking gawi. He’s serious as usual while looking at me appearance right now. “P-po. A-ano po ang sabi ninyo, sir?” tanong ko. Nais kong linawin ang sinabi niya kanina. Sana ay nagkakamali lamang ako ng dinig. “You are not living. Manatili ka lang dito sa opisina at lalabas ka lang kung kailan ko gusto. Hindi mo ba naiintindihan?” malutong na boses ang pinakawalan niya. Napalunok ako ng sarili kong laway. Unti—unti na namang nabubuo ang inis sa aking sarili habang pinoproseso sa aking utak ang mga sinabi niyang iyon. Damn him. Seryoso ba siya?! “S-sir? B-bakit po? A-ano ang problema? May hinidi pa ba ako nagawa, Mr. Montemayor?” tanong ko at sa puntong ito ay parang nais kong kontrahin ang magiging desisyon niya. Seryoso siya? Karapatan kong lumabas at hindi naman siguro tama ang magkulong lang ako dito buong maghapon at magtatrabaho nang hindi man lang nakalabas para kumain. “Sir, karapatan ko naman sigurong lumabas para kumain, hindi ba? Ang magpahinga sa oras ng pagpapahinga? Hindi maaaring magtrabaho lang ako nang magtrabaho.” Wika ko at sa boses kong iyon ay pinapamukha kong sa puntong ito ay hindi ko nais ang gusto niyang mangyari. “And it is also my right to do what is right for me. Isn’t it, Miss Fuentes?” Napapikit ako. “Pero sir!” hindi ko na napigilang mapaangat ang aking boses. Sobra na siya! Sumusobra na siya! Hindi na tama itong ginagawa niya. “Go back to your table,” wika nito ngunit hindi ako sumunod sa halip ay nag—ipon ako ng lakas ng loob upang labanan siya. “Lalabas ako sa ayaw at gusto mo, Mr. Montemayor. Gutom na ako at kailangan kong lumabas para kumai—” “Go back to your table, please Miss Fuentes. Our food is arriving.” Hindi ko maiwasang matigilan sa sinabi niya. Wait, w-what?! “P-po?” dahil sa gulat ko ay hindi ko na mapigilan pa ang mapatanong. “Hindi mo na kailangan pang lumabas para kumain. Sabay na tayong kumain dito mismo sa opisina.” muli nitong sambit. Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa aking mesa. Ngunit sa puntong ito ay hindi ko alam kung kakayanin ko bang kumain kasama siya. Sa mahigit dalawang linggo kong pagtatrabaho dito bilang secretary niya ay ni isang beses ay hindi ko pa siya nakasamang kumain. Ni isang beses ay hindi pa niya nagawang gawin ito kaya hindi ko mawari kung ano ang naisipan niya at nakain niya kung bakit niya ito ginagawa. “Magbabayad na lang po ako sir para sa pagkain. Magkano po ba ang pagkaing pinadala mo dito?” t said while trying to open my bag. “Kung magbabayad ka lang rin naman, bayaran mo na rin ang pagkaing pinadala ko sa ‘yo dito kahapon.” Wika nito dahilan upang mapakunot ako ng noo. Dammit! Huwag niyang sabihing… “Tsk, stop acting like you did not enjoy the food yesterday, Miss Fuentes. Huwag ka nang mahiya pa.” sambit nito sa akin at sa puntong ito ay tuluyan nang nabuo ang init na pakiramdam sa aking mukha. Damn this man! Bakit ba ang hilig niya sa ganito? Nagdedesisyon siya nang siya lang at hindi nagpapaalam sa akin. Ilang minuto rin akong nakaupo sa aking mesa. Ilang beses kong tiningnan si Mr. Montemayor ngunit pokus lamang ito sa kaniyang ginawa. I wonder what time the foods that he is talking about will arrive. Ayaw ko mang aminin ngunit ramdam na ramdam ko na ang gutom. Kung pinayagan lang sana niya akong lumabas ay sana nasa canteen na ako at kumakain na sa mga oras na ito. Saglit pa at sa wakas ay dumating na rin ang pagkain. I thought the delivery man will place a piece of food in my table ngunit nang mapansin kong nasa table lahat ni Mr. Montemyor ang mga pagkaing nasa cart ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Nakatingin ako kay Mr. Montemayor. He is preparing the foods this time. Ilang segundo pa ang lumipas at kaagad rin akong napaiwas ng tingin sa kaniya nang bumaling ang kaniyang atensyon sa aking mga mata. “Hindi ka ba kakain?” tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay nanatili lamang akong nakaupo sa aking table. I let the couple of seconds will pass. Naririnig ko na rin ang tunog ng mga kubyertos mula sa mesa ni Mr. Montemayor. Sinubukan kong balewalain iyon. Hindi ko alam na siya pala ang nagpadala ng pagkain sa akin kahapon. Kung ako lang ang kumain mag—isa dito ay okay lang ngunit kung kasama si Mr. Montemayor at sa mesa pa niya mismo ay ibang usapan na iyon! “Come to my table, Miss Fuentes or you will die from starvation.” Muling sambit nito sa akin. Wala na akong pagpapilian pa kung hindi ang pumunta na lamang sa kaniyang mesa. Naging mahinhin ang paggalaw ko sa puntong ito. Siguro ay hindi lang ako sanay na makihalubilo sa mga taong nakakataas sa akin. Sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang makasama sa pagkain ang boss ko kaya ngayon ay walang humpay na ilang ang nararamdaman ko. He offered me a piece of paper plat saka table spoon and pork. Pinilit kong lamunin ang hiyang nararamdaman ko at sinubukang i—enjoy ang pagkain sa tabi ni Mr. Montemayor. Tanging ang tunog ng mga kubyertos lamang ang naririnig ko buong sandali. Ni ang ang pagnguya ko ay parang bumabalot na rin sa aking tainga dahil sa matinding katahimikan sa pagitan namin. Wala na rin naman akong sasabihin pa at mas lalong wala akong balak na magsimulang magsalita. Matapos ko lang itong kainang ito ay okay na ako. I take a glance on the bottle of water placed at the right corner of Mr. Montemayor’s table. Nasa kabilang sulok ako kaya hindi ko iyon kayang abutin. Siguro ay tatapusin ko na lang ang pagkain bago ako lalabas upang kumuha ng tubig. “Tubig, baka mabulunan ka,” siya na mismo ang nag—abot sa akin ng isang boteng tubig. Mahinhin ko iyong tinanggao saka binuksan. I sip a small amount of water and then go back to the foods. “Are you really going to meet my cousin?” Muntik na akong mabulunan dahil sa naging tanong niyang iyon. Kaagad kong kinuha ang bote ng tubig sa akin harapan saka sumimsim doon upang mapadali ang paglunok ko ng pagkaing nasa bibig ko pa. “P-po?” tanong ko lalo pa at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya kung bakit niya iyon naitanong sa akin. “Stop acting like you feel nothing, Miss Fuentes. Halata naman sigurong gusto ka ng pinsan ko o sadyang gusto mo rin siya kaya tahimik ka lang at hindi nagpapakita ng motibo ng pag—iwas sa kaniya?” wika nito dahilan upang tuluyan na akong napatingin sa kaniyang mga mata. Kaagad rin akong napaiwas ng tingin lalo nan ang magkatama ang aming mga mata. His looks is like a dangerous predator that is ready to take on his prey. Tumikhim. Umayos pa ako ng pag—upo. Kung ano man ang magiging sagot ko ay labas na siya doon. He is just my boss kaya labas na dapat siya doon. “You cousin is quite fun, sir. Siguro tama ka, walang babaeng hindi niya napapaibig kaya siya nababansagang babaero. He has the charm,” wika ko saka ako ngumiti. “Dammit, huwag mong sabihing pati ikaw ay ginusto rin ang pagpapapansin ng pinsan ko sa ‘yo?” matigas na boses ang pinakawalan niya. Aba? Anong problema doon at bakit siya naiinis? “Look, Miss Fuentes,” hinawakan niya ang aking kamay. Mula sa kung saan ay pinilit niyang maituon ko ang aking atensyon sa kaniyang mga mata. “Don’t dare to deal with that man. Magsisisi ka.” Mabilis nitong sambit saka ako tuluyang binitawan. Ano ba itong pinagsasabi niya? Pinili ko na lang na manahimik. Ayaw ko nag siyang patulan pa. Kung ano man itong kabaliwang ginagawa niya ay bahala na siya. “I am working diligently in your company, sir kaya wala akong oras sa mga ganiyan.” Wika ko at sa puntong ito ay kinuha ko na rin ang table napkin na nasa harapan ko saka ko marahang pinunasan ang aking bibig. “Saka isa lang naman akong secretary kaya walang sinumang magkakaroon ng interes sa akin. Kaya kailanman ay hindi ko binigyan ng malisya ang kakaibang pakikitungo sa akin ng pinsan mo, sir. Siguro ganoon lang talaga siya kung makitungo sa mga babae.” Pagpapatuloy ko pa. Naging matahimik ang buong silid matapos akong magsalita. Hindi na rin nagsalita pa si Mr. Montemayor. Sinubukan kong ligpitin ang mga pinagkainan namin ngunit pinigilan niya ako. Sabi niya ay may darating na raw na housekeeping upang gawin iyon. Matapos ang kainang iyon ay muli akong bumalik sa aking lamesa. Lumabas rin si Mr. Montemayor ilang minuto lang ang lumipas at hindi ko alam kung saan ang kaniyang punta. I spent the whole day sitting at my table. Alas tres na nang makabalik si sir sa kaniyang lamesa. Hindi ko alam kung saan ang pinunta niya kanina gayong wala namang naka—schedule na appointment para sa kaniya ngayong araw. Alas singko nang magligpit ako ng mga gamit ko. Ilang minuto na lang ay makakauwi na rin ako. Wala na rin namang pinapagawa sa akin si Mr. Montemayor kaya alam kong makakauwi ako ng maaga sa araw na ito. “Hindi ka muna uuwi ngayon. Samahan mo muna ako. Don’t worry, hindi na mauulit ang nangyari kagabi. This time is different,” sambit nito sa akin habang nakatingin lamang sa kaniyang monito. Kakatayo ko lamang at akmang lalabas na sana ako nang pinigilan niya ako gamit ang mga katatagang iyon. “P-pero sir. Baka po mag—alala si nanay. Hating—gabi na kasi ako nakauwi kagabi at baka—” “Can I ask you mother’s number? Ako na mismo ang magpapaalam sa kaniya para sa ‘yo.” “H—hindi na po kailangan. Ako na po ang magpapaalam sa kaniya.” Mabilis kong sambit. Damn it! Ito na naman siya! Sana nga. Sana nga ay totoo ang sinabi niyang hinding—hindi na mauulit ang nangyari kagabi. “Don’t worry. Saglit lang ito. May pag—uusapan lang naman tayo.” Wika nito at mula sa kaniyang monitor ay dahan—dahan itong bumaling sa aking mga mata. “Pwede mo namang sabihin dito, sir.” Mabilis kong sambit. Trying to avoid going out with him. Ang pinakaayaw ko ay ang yayain niya ako nang hindi ko naman alam kung saan ang punta. Matinding pagkailang ang nararamdaman ko at baka kung maging madalas iyon ay hindi ko na kakayanin pa. “You let my cousin Luke talk to you earlier while saying no to my offer? Ako ang boss mo, Miss Fuentes at hindi ang pinsan ko.” Mabilis nitong sambit sa akin dahilan upang mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. Dahil sa sinabi niyang iyon ay buo na ang isipan ko at iyon ay alam kong hinding—hindi ko na siya magagawang tanggihan pa. Alam kong hinding—hindi ko na siya magawang iwasan pa sa gabing ito. Gabi—gabi na lang ba kaming lumalabas? Normal pa ba itong ginagawa namin? Saktong alas singko y media kami lumabas. Sa grahe ang tungo namin. Tahimik lamang si Mr. Montemayor buong sandali. Sa pangalawang pagkakataon ay sumakay ako sa kaniyang kotse. Mula noong una akong sumakay ay ang malamig na temperature ang siyang bumungad sa akin at ang pabango niyang nakabalot sa buong sulok nitong kotse. Ayaw kong dumating sa araw na masanay akong nakikisabay sa kaniya matapos ang aking trabaho. Sana nga… sana nga ay ito na ang huling pagkakataong makasama ko siya sa paglisan ng trabaho. Tahimik lamang ako buong sandali. I let Mr. Montemayor start the car’s engine at hindi nagtagal ay nagsimula na rin itong umusad. Tulad ng palagi kong ginagawa ay nakatuon lamang ang aking atensyon sa labas kung saan tanaw ko ang maliwanag na sulok nitong siyudad. Nagsilbing buhay ng siyudad ang liwanag mula sa magaganda at matatayog na gusali at ang mga liwanag mula sa mga sasakyang nakipagsapalaran sa malawak na daan. Ilang minuto akong nakaupo sa front seat. Ilang beses na rin akong bumaling ng tingin sa kay Mr. Montemayor ngunit ni isang beses ay hindi niya ako binalingan ng tingin. Nakatuon lamang ang buong atensyon nito sa pagmamaneho nitong sasakyan. Alam kong ito ang daan patungo sa bahay namin kaya nagtataka ako kung saang lugar ang tinutukoy niyang pupuntahan namin. Tulad ng sinabi niya ay may pag—uusapan kami kaya hindi ko mawari kung ano iyon at kung bakit kailangan pang patagalin niya bago sabihin. “S-saan po tayo pupunta, sir? Saka ano po ang pag—uusapan natin?” tanong ko sa kaniya. Bilang pagbabasag—katahimikan na rin na kanina pa bumabalot sa bawat sulok nitong sasakyan. “Ihahatid na kita sa inyo,” wika nito dahilan upang bumilog ang aking mga mata. W—what?! H—hindi naman niyang sinabing ihahatid niya ako, ah? “H-hindi na po sir. Saka kung wala naman pala tayong pag—uusapan, pakibaba na lang po ako dito. Sasakay na lang po ako ng jeep patungo sa bahay.” “There is nothing to talk about, Sandra. Sa tingin mo? Hahayaan kitang lalabas sa opisina nang mag—isa? Knowing that my cousin Luke is at the lobby waiting for your presence? Saka stop calling me sir… You are not in work to keep calling me formally.” Hindi ko maiwasang tumigil muli ang aking mundo habang dahan—dahang pinoproseso ang mga katatagang binitawan niya sa aking utak. Hindi ko na magawang ibuka pa ang aking bibig sa puntong ito. After hearing him calling my frist name, wala akong naging reaksyon kung hindi ang tumayo ang balahibo ko. Sa sinabi niyang iyon ay nagawa niyang patahimikin ang aking mundo. Ayaw kong magbigay ng kahulugan sa likod ng mga salitang binato niya sa akin but I think it is too obvious. O baka ganito lang talaga siya kung makitungo sa kaniyang secretary. I wonder if it is the way he treated his past secretaries. Iniwasan ko siya ng tingin. Pinili kong tumingin na lang muli sa daan kesa sa nakatuon ang aking mga mata sa kaniyang atensyon. Huli na rin nang mapansin kong nasa eskenita na kami at sa dulo nitong daan ay mararating na namin ang aming bahay. I was a bit hesitant. Alam kong iba ang paghatid niya sa akin kagabi at sa paghatid niya sa akin ngayon. Last night, he was in the influence of alcohol ngunit ngayon ay wala na. Hindi naman sa kinahihiya ko ang buhay na mayroon ako ngayon ngunit hindi lang ako nasanay na ang CEO mismo ng kompanyang tinatrabahuan ko ang siyang naghahatid sa akin pauwi. Huminto ang kotse sa labas ng munti naming bahay. Alas otso na ng gabi kaya tahimik na ang bawat paligid. Medyo malayo rin ang bahay namin sa siyudad kaya sa ganitong oras ay wala ng sasakyang dumadaan sa kalsada. Hindi kaagad ako bumaba. Alam kong nakalock pa ang pinto nitong sasakyan kaya hindi na ako nag—abala pang sumubok na magbukas. I am waiting for his words. Lalo pa ngayong nakahinto na ang kotse. “Alam mo, mahigit dalawang linggo na rin kitang naging secretary,” he started. Mula sa kung saan ay bumaling siya sa akin. Hindi man ako nakatingin sa kaniyang mga mata ay kitang—kita ng peripheral vision kong nakatitig siya sa akin ngayon. “Saka ito na rin ang pangalawang pagkakataong naihatid kita rito. Hindi mo man lang ba ako ipakilala sa nanay mo?” pagpapatuloy nito sa pagsambit dahilan upang kusang masapid ang aking dila. Nanginginig ang aking lalamunang bumaling sa kaniyang atensyon. Hindi ko alam ngunit pati ang aking labi ay pakiramdam ko ay namumutla na rin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa huling katatagang binitawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD