Chapter 8

2792 Words
Sandra’s POV "ARE you interested with my cousin, Miss Fuentes?” Ilang beses akong napalunok sa sarili kong lawak at mapahugot ng malalim na hininga matapos kong marinig ang sinabi niyang iyon sa akin. Damn him! Baliw na ba siya? Alam ba niya ang sinasabi niya? “I-ikaw na ang may sabing babaero ang pinsan mo, sir. Kaya b-bakit ako mag—” “Damn it! I can sense it in your eyes, Miss Feuntes!” malakas na boses ang pinakawalan niya dahilan upang mapahinto ako sa pagsasalita. Mas lalo lang bumilog ang aking mga mata nang dahan—dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa aking harapan. Sinubukan kong umiwas sa kaniya sa pamamagitan ng pag—usog papalayo sa kaniyang presensya ngunit kaagad rin akong napahinto gayong limitado lamang ang espasyo sa loob nitong sasakyan. I keep on looking at his eyes. Habang tinitingnan ko ang kaniyang mga mata ay wala akong ibang maramdam kung hindi ang matinding takot. Shit! Ano itong ginagawa niya! Hindi siya tumigil sa kaniyang ginawa. He slowly move closer towards my face. Ni sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko na ang init niyang hininga. The scent from his perfume and the wine he was drinking is mixing in my breathings. Muli ay lumunok ako ng sarili kong laway. I then move my hand slowly and put it in from of my body at nang mabigyang proteksyon ang aking katawan mula sa kaniya. I felt too much danger this time. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin lalo pa at nasa loob ako ng kaniyang kotse. Kung tutuusin ay kaya niya akong pagsasamantalahan sa loob ng sarili niyang kotse. I am helpless at hindi ko alam kung ano ang nararapat kong gawin. “S-sir. A-ano ang nais mo? P-please, you are drunk, Sir Axel.” utal na sambit ko. sa boses kong iyon ay pansin na pansin ang matinding panginginig at ang takot sa likod ng boses kong iyon ay bakas na bakas. Ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga bibig. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa aking mga mata. Mula sa kaniyang mga titig ay hindi ko alam kung ano ang nasa likod nito. Hindi ko alam kung ano ang katatagan at planong nasa likod ng bawat matitinik niyang titig. “I am your boss, Miss Fuentes…” muli niyang tugon. Nakaharang ang aking kamay sa gitna namin ngunit kaagad rin iyong naalis doon nang hawakan niya ito saka hinawi. “Kaya susunod ka sa anumang nais ko. Kuha mo ‘yon. Now let me as you once again,” he stopped. Pansin na pansin ko ang palad niyang mas lalong dumikit sa aking palapulsuhan. “Are you interested with my cousin?” tanong niya na animo’y pang—isang daang beses na niya itong tinanong sa akin. He's talking useless! Saan naman niya nakuha ang mga ideyang iyon? Saka kung sakaling type ko ang pinsan niya, ano naman ngayon? Wala na siyang pakialam gayong boss ko lang naman siya at hindi boyfriend ko o ang magulang ko na magdedesisyon para sa pagsyang gagawin ko! “Sir, nakainom ka. Bukas na lang natin ito pag—uusapan, please.” Muli kong tugon. I tried to avoid his presence sa pamamagitan ng pag—iling ngunit pinigilan niya akong gawin iyon. Hinawakan niya ang aking panga gamit ang hinalalaki niya saka ibinaling akong muli paharap sa kaniyang mga mata. “We’ll talk it now, Miss Fuentes. Sa huling pagkakataon, gusto mo ba ang pinsan ko?” sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko na ang lutong sa kaniyang boses. Umawang pa nga ang kaniyang panga na alam ko na kaagad ang ibig nitong sabihin. “The way you look at him. Hindi ka naman ganoon kung tumingin sa akin, ah?” tanong nito sa akin dahilan upang tumayo ang aking balahibo. Shit, this man! Alam ba niya ang sinasabi niya? “I don’t like your cousin Mr. Montemayor,” sa puntong ito ay muli ko na siyang iniwasan. Hindi na rin niya ako pinigilang gawin iyon. Hindi nagtagal ay pansin ko na rin ang paggalaw niya. Sa puntong ito ay pinaandar na niya ang kotse. “Good.” Mahinang sambit nito ngunit tama lang na marinig ko iyon gayong kami lang namang dalawa ang nandito sa loob nitong kotse. “I’ll drive you home now,” he continued then starting to drive the car. Hating gabi nan ang makauwi ako ng bahay. Hindi ako nagkakamali ng isip, nang dumating ako doon ay gising na si nanay. Buti na lang at isang tanong lang ang iginawad niya at nanniwala naman siyang nag—overtime ako sa work kaya hindi na ako nahihirapan pang magpaliwanag sa kaniya. That jerk is crazy! Wala naman akong napala sa lakad naming iyon. Siya lang ang nag—enjoy. Sana sinabi na lang niya bago ako nakapasok sa bar na iyon na isang manika ang role ko at hindi dapat nagsasalita o ang makikipaghalubilo sa mga kasamahan niya. I can’t blame that Luke, huli na nang mapansin kong nasa tabi ko na siya. They offered me that glass of wine kaya wala akong choice but to accept it. Kasalanan ko bai yon? Hindi dapat ako ang sisisihin niya kung hindi ang mga pinsan niya! He acts like my boyfriend. Kung tutuusin ay boss ko lang siya kaya wala siyang karapatang pagsabihan ako. Pero in fairness, ah. That Luke is quite attractive… Kinabukasan ay hindi ko na napansin ang oras, mabilis akong nabuhayan nang mapansin ko ang oras. Alas 7 na nang magising ako. Kung hindi ako ginising ni nanay ay tiyak na tanghali na ako nang magising. Sa sobrang gulat ko ay unang pumasok sa aking isipan ay ang maligo. Ni hindi na nga ako nakapag—almusal sa sobrang pagmamadali ko. Nagbaon na lang ako ng dalawang pirasong biscuits at diretso na sa pagpasok sa trabaho. Kung hindi lang sana ako sinama ni Mr. Montemayor sa lakad niya kagabi ay sana maaga akong nagising ngayon. Aral ko na rin iyon. Pinapangako ko sa sarili kong aalamin ko muna ang totoong dahilan bago ako sasama sa lalaking iyon. Baka sa susunod ay hindi ko alam na pinagbebenta na pala niya ako. Kahit saang banda tingnan ay hindi mabuti ang sumama sa taong hindi mo naman alam kung saan ang inyong tungo. Saktong alas 8 na nang makarating ako sa opisina. Wala pa ang gagong boss ko kaya kaaagd rin akong nakahinga nang maluwag. Huli na rin nang maisip kong baka nasa higaan pa iyon lalo pa at nakainom iyon kagabi at kung sakaling magising man siya nang umaga ay magpapagaling pa iyon sa hangover. Dumiretso ako sa aking mesa. I did my usual routine—I checked the company’s email and while checking it, tiningnan ko rin ang schedule ni Mr. Montemayor sa araw na ito. Buti na lang at wala siyang appointment sa mga oras na ito. After knowing the schedule, I answered the queries from the email and checked the papers in my desk. Isang oras ang dumaan nang mabilis akong naalerto nang bumukas ang pinto nitong opisina. I thought it was Mr. Montemayor but I realized my wrong thoughts after seeing the personality in front of me now. “S-Sir…” “Luke, just call me Luke,” wika nito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon ang aking paningin sa mesa ni Mr. Montemayor. “Your cousin is not here yet.” Wika ko gayong baka may kailangan siya sa kay sir kaya siya nandito. Ngumiti siya. Ngayon ko lang nakita nang mas malinaw ang kaniyang mukha. Medyo madilim kagabi sa bar kaya tanging pabango lamang niya ang malinaw sa akin ngunit ngayong malinaw na ay malinaw na malinaw na sa mga mata ko ang bawat detalye ng kaniyang katawan. He has a mascular body. His face is perfect at kung paano siya ngumiti ay alam kong walang babaeng hindi niya masusungkit. “Tsss, loko talaga ang lalaking iyon. Siguro tuloy pa iyon. Anyway, hindi si Axel ang sadya ko. Swerte niya naman kung dadalawin ko siya dito,” mula sa kung saan ay bumaling siya sa akin. Bakat na bakat pa rin ang ngiti sa kaniyang mukha. The way he looks at me, it is so comfortable. Parang inaakit niya ako sa pamamagitan ng mga ngiti niya at ayaw kong mangyari iyon! Hindi pa rin nawala ang katatagang sinabi sa akin ni Mr. Montemayor sa akin kagabi, that this man is a womanizer. “I just feel worried last night. Bigla ka na lang kasing kinaladkad ng pinsan ko. Nakauwi ka ba nang maayos?” tanong niya sa akin. I don’t want to overthink but the way he stated those words, it was full of concern. Hindi ko alam kung paano sila naging mag—pinsan ni Axel. This man is completely different from Mr. Montemayor. Kung gaano kasungit ang boss ko ay ganoon naman kabait si Luke o sadyang ganito lang talaga siya kung makikitungo sa mga babae? Dapat ba akong magulat kung bakit siya ganito kung makitungo sa akin? o babalewalain ko na lang iyon? “O-okay naman, Hinatid ako ni Axel kagabi.” “Pasensya ka na sa pinsan ko, ah. Ganoon lang talaga iyon, hindi marunong makisalamuha sa mga babae. Hindi ko alam kung ano ang trip niya kagabi at kung bakit bigla ka na lang niyang hinila palabas. For me, it is quite disgusting. Hinding—hindi ko iyon magagawa sa isang babae.” Wika nito sa akin habang nakatitig lamang sa aking mga mata. “Nope, it is okay.” Ngiting wika ko at nang maniwala siyang okay lang talaga iyon sa akin. That was not a big deal for me though. Saka mabuti nga iyon dahil nakauwi ako kahit pa alam kong late na ang hating gabi. “Akala ko kasi may ginawang masama sa ‘yo ang pinsan ko…” He said it in a low tone voice kaya napakunot ako ng aking noo. “What?” tanong ko, trying to ask a repetition with what he just said earlier at baka mali lang ako nang narinig. “Wala. Anyway, balita ko mahigit dalawang linggo ka pa raw na nagtatrabaho dito bilang isang secretary?” sa puntong ito ay unti—unti siyang humakbang papalapit sa akin. Kaagad rin siyang umupo sa harap ng aking mesa. “Yes. Tama ka.” “Kaya pala. You don’t know my cousin that much yet.” Tugon nito sa akin dahilan upang mapakunot ako ng aking noo. “A-anong kailangan kong malaman sa kay Mr. Montemayor?” tanong kong may bahid na matinding kuryusidad sa aking boses. Nanatli akong nakatingin sa kaniyang mga mata at hinintay ang magiging sagot niya sa tanong kong iyon ngunit kaagad rin akong napaiwas ng tingin nang mapansin ang pagbukas ng pinto nitong opisina. From Luke’s presence, I turned to the front door at doon ay pansin ko ang presensya ni Mr. Montemayor. Nakatingin lang siya sa akin ngayon habang humahabang. Mula sa akin ay bumaling ang paningin nito sa kaniyang pinsan na ngayon ay nakaupo lamang sa aking harapan at walang kaalam—alam na nandito na si Axel. “What are you doing here?” tanong ni Mr. Montemayor na alam ko na kaagad kung para kanino ang tanong niyang iyon. Mula sa akin ay bumaling ang atensyon ni Luke sa kaniyang pinsan. “Insan! I just feel worry about Sandra last night. Kaya nandito ako to consult her at mangumusta.” Hindi ko iniwasan ng tingin si Mr. Montemayoir. Malinaw mula sa aking paningin kung paano umawang ang kaniyang bibig nang marinig ang sinabi ni Luke. “My secretary is fine. Maayos siyang nakauwi kagabi. And she’s not sick to consult with. Sabihin mo na lang kung ano ang totoong pakay mo at nang makaalis na,” Mr. Montemayor has said it in arrogant tone voice. Para silang aso at pusa. Paano sila naging magpinsan? Mula sa kaniyang pinsan ay bumaling ang tingin niya sa akin. Kaagad naman akong napaiwas lalo pa at masyadong matinik ang pagkakatingin niya sa akin at hindi ko iyon kayang titigan nang mas matagal. “I am paying you to work and not meeting with someone. Dito pa talaga sa opisina ko. Pwede namang during breaktime,” seryosong tugon nito sa akin. Sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko ang tigas ng kaniyang boses. Siguro tama nga si Luke, hindi ko pa siya masyasong kilala. Siguro, sa mahigit dalawang linggo kong pagtatrabaho dito bilang secretary niya ay hindi ko pa kilala nang lubos ang kaniyang pagkato. Siguro ay may mas sasahol pa sa ugaling pinakita niya. Tsss. Kahjt kailan ay hinding—hindi na yata magbabago ang ugali ng kumag na ito. Hanggang kailan siya magiging masungit sa akin? Mula sa kay Mr. Montemayor ay bumaling ako kay Luke. Siguro ay nakuha na niya ang ibig kong sabihin mula sa mga tingin kong iyon. “Allright, see you in your breaktime then. Magagalit ang boss mo,” ngiting sambit ni Luke sa akin. Pabulong niyang sinambit ang huling katatagang binitawan niya. Mula sa akin ay bumaling ay atensyon niya sa kay Axel. May kung anong hinugot si Luke mula sa jacket na kaniyang suot. “Oo nga pala, may pinapabibigay si dad sa ‘yo,” wika nito saka tuluyang kinuha ang isang pirasong papel saka iyon inabot sa kay Axel. Humakbang si Axel papalabas nitong opisina. Mr. Montemayor remained standing from the position he was earlier. Nakatitig lang ito sa kaniyang pinsan na alam kong hihintay ang paglabas nito sa opisina. Huminto si Luke at muling bumaling sa kay Mr. Montemayor. “Mark your word, pinsan, ah! I’ll meet your secretary during breaktime,” he then turned to me and make a blink saka muling nagpatuloy sa paghakbang papalabas nitong opisina. Ramdam ko ang matinding katahimikan nang tuluyan nang nakalabas si Luke sa opisina. Bumaling ako kay sir at huli nan ang mapansin kong nakatitig na pala siya sa akin. “S-sir, m-may nagsend ng proposal sa email. Ibibigay ko sa ‘yo mamaya ka—” “Kailan pa nandito ang pinsan ko?” seryosong tanong niya sa akin. Hindi man lang niya ako pinatapos sa sinabi ko sa halip ay mas pinili niyang itanong sa akin ang tanong niyang iyon na hindi naman related sa trabaho. “K-kanina pa po. B-bakit po?” utal kong tugon. Damn it! Mukhang mapapahamak na naman ang araw ko. Alas nuebe pa at nakaharap na ako sa mala—tigre kong boss. “Are you done checking the papers? Replying with the emails? How about checking my appointments?” mabilis nitong tanong. Sa bilis ng pagsambit niya ay muntik ko nang hindi masubay—bayan ang mga tanong niya. “I am done checking the papers sir. I also done checking your appointments but in checking the emails,” mula sa kaniya ay ibinaling ko ang tingin sa monitor na nasa aking harapan. Mula doon ay pansin ko ang mga emails na hindi ko pa nabubuksan. I then turned back to Mr. Montemayor. “I’ll finish it before lunch, sir. Don’t wo---” “Inuna mo ang pakikipag—usap sa pinsan ko bago ang trabaho, Mis Fuentes,” wika nito saka umiwas ng tingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang inig mula sa kaniyang boses. Damn it! Masydo pa namang maaga para magmadali ako. Saka nagtrabaho naman ako habang kinakausap ko si Luke. Kailanman ay hinding—hindi ako nagkulang sa paggawa ng trabaho ko. Kung tutuusin ay sobra pa nga. Nakuuu! Ewan ko sa kumag na ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko magagawang indahin ang pakikitungo niya sa akin! Ilang segundo pa at kaagad ko ring napansin ang paghakbang nito papunta sa kaniyang mesa. Nakailang hakbang pa siya bago siya huminto muli. Hindi naman niya akog hinarap muli ngunit umaasa akong may katatagan siyang bibitawan matapos siyang huminto. “One last thing, don’t call my cousin with his name. You should treat him formally since Luke is my family. Call him sir or his surname. You should treat one of my family members the way you treated me. Got it, Miss Fuentes?” sambit nito sa akin. Napalunok ako ng sarili kong laway at matapos niyon ay ang paghugot ko ng malalim na hininga. “N-noted, Mr. Montemayor.” Tugon ko at pinilit na maging malinaw ang pagkakasambit ko sa katatagang iyon. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng tao itong si Mr. Montemayor. I can’t identify his real personality. Hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan at kung ano ang gagawin ko para maiwasan ko ang ugali niya. Nasa kaniya na siguro ang lahat ng masasamang ugaling maaaring taglayin ng isang tao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD