Sandra’s POV MATAPOS kong hinugasan ang mga pinagkainan namin ni Axel ay kaagad na rin akong nagtungo sa sala para puntahan si Sofia. Nang makarating doon ay ang anak kong masayang naglalaro ang siyang unang bumungad sa aking paningin. Masaya nitong nilalaro ang iba’t—ibang klaseng manika nito at iba pang mga laruang nasa harapan lang niya. “How are you, baby? Okay ka lang ba riyan?” tanong ko sa kaniya. Hindi kaagad siya bumaling sa akin sa halip ay tinapos muna niya ang pagtatali ng buhok sa hawak niyang manika. “Yes po, mom. Mom, big girl na po ako pero my dolls are still the same. Pwede po ba akong magkaroon ng big doll rin kasi big girl na po ako, e.” sambit nito sa akin. Napangiti ako saka umupo sa kaniyang harapan. I look at her presence directly. Hinawakan ko ang magkabilang p

