NAGMADALING lumaptit si Everlee kay DK. Lumuhod siya sa damuhan para i-check ito. Basa nga ito pero wala naman siyang makapang sugat nito. “Hey! I’m fine. Nagpapawala lang ako ng amats.” “Good.” Tumayo siya at nameywang siya rito kapagkuwan. “Dahil okay ka naman, binabawi ko na ang sinabi ko na magpapakasal sa ’yo.” Taas noo pa siya noon. Ewan lang niya kung nakita nito. “What?!” gulat na sambit nito. “No!” “Yeah. Hindi ka naman yata bingi. Nasabi ko lang sa ‘yo ‘yon dahil nag-aalala ako. Saka kung gusto mo akong pakasalan, dapat single ka at alam ng parents ko. Pupunta ba sila dito if ever?” Hindi nakaimik si DK kaya napangiti si Everlee. Imposible naman talaga kasi hindi siya pwedeng ikasal nang walang alam ang magulang niya. Pumasok si Everlee pagkatapos niyang kausapin si DK. Pe