“Everlee?” seryosong sambit ni DK sa dalaga. Kasabay no’n ang paglahad ng kamay nito sa kanya. “K-Kuya,” aniya lang. Hindi alam ni Everlee kung bakit bigla siyang kinabahan sa tono nang pagtawag nito ng pangalan niya. May diin iyon. Hindi niya malaman kung gigil sa inis o ano ba. “Are you coming or not?” ulit nito. Sa Duke ang tingin ng mga naroon. Si Daisy, napapalunok na ito. Kasi minsan na nitong nakitang nagalit ang Duke. Kaya masasabi nitong galit na nga ang Duke kay Everlee. Kasi nga naman kabilil-bilinan nito na ‘wag itong palabasin. Pero heto. “Everlee,” ulit ni DK na ikinatugon ng dalaga sa lahad nito. Baka madagdagan pa ang inis nito sa kanya. Napasinghap si Everlee nang pangkuin siya nito imbes na alalayan patayo. “Damn it!” dinig niyang anas nito. Ewan lang ni Everle