Kinabukasan, sobrang late na nang magising si Naddie. Sa tagal ba naman niyang natulog kagabi, pagod na pagod siya nang magising. Hindi ba naman kasi siya nakatulog nang maayos, e. “Ughh,” ungot niya pa nang makabangon. Napakagat siya ng labi at mabilis na napatayo. Lumabas siya ng kanyang kwarto at tumungo sa kusina niya para maghanda ng kanyang pagkain. Huminga siya nang malalim at humikab pa. Tiningnan niya ang kanyang pantry para kumuha ng pwedeng makain niya roon. Sa huli, pinili niyang mag-pancake na lang siya. Pini-prepare na niya ang mix noon tapos ay nagsimula na rin siyang maghanda. Panay ang hikab niya roon habang nag-aayos ng pancake sa kalan. Tinapos niya ang kanyang pagluluto. Hinango na rin niya iyon sa plato at nilagyan ng strawberry syrup. Nang mahanda ang pagkain ni