Chapter 5

1719 Words
Nakakunot ang noo ni Naddie habang tumitingin-tingin sa mga shelf sa Walmart. Nakangusong tiningnan niya mga pagkaing nasa cart na niya. She was contemplating on what to get. Ang dami na rin kasi niyang chichiryang nakuha at ito siya at tumitingin pa sa Lays na nasa shelf. Sa huli ay kumuha pa rin naman siya ng isang tub tapos ay dumiretso na siya sa mga chocolate. Para siyang bata roon na tila noon lang nakakain ng mga ganoon. Sa Pilipinas kasi, bawal din iyon sa kanya at unhealthy daw. Even her food is restricted there. Ngayon lang siya nakapamili ng mga gusto niya talagang kainin. Halos mag-iisang oras din siyang namili ng snacks doon bago siya tumungo sa may mga karne naman. Hindi siya ganoon kamaalam sa pagluluto pero nakakapagluto naman siya at hindi lang naman prito ang alam niya. Tinuruan naman siya ng kanyang ina noon tungkol sa pagluluto kaya for sure, makakapagluto siya sa apartment niya. Nang okay na siya sa kanyang pinamiling grocery ay lumabas na rin siya roon. Now, she’s hesitating kung uuwi muna siya tapos ay saka siya pupunta sa mall para mamili naman ng mga gusto niya. She’s not gonna spend so much, of course, limitado ang pera niya at wala siyang balak buksan ang cards niya dahil panigurado ay mati-trace siya ng ama. Napatitig tuloy siya sa kanyang dalang bag. Ngumuso pa siya, nag-iisip pa rin kung saan pupunta. Kasi naman ang sayang sa oras kung babalik pa siya ng apartment, pero nakakapagod naman kung ayaw niyang iwan iyong mga pinamili niya. Sa huli ay napakamot na lang siya ng ulo at nagdesisyon na ring dumiretso na lang sa mall para mamili. Medyo mahirap kasi dahil wala siyang kotse pero alangan namang magreklamo pa siya. Ibinaba na lang muna niya sa deposit area ang mga pinamili niya bago siya dumiretso sa mga store ng kanyang pagbibilhan. Bibili rin kasi siya ng iilang damit at toiletries since hindi niya naman dala ang lahat ng mga damit niya at biglaan nga iyong pagtakbo niya sa kanila. She bought some casual clothes, sleeping wears, undies and some formal wears na hindi niya naman alam kung saan niya isusuot. Nevertheless, nakalimang bag lang naman siya ng damit bago siya umuwi. “Ugh!” She groaned when she arrived home and was having a hard time getting all the stuff that she bought inside. Ang dami kasi ng kanyang mga pinamili at halos matabunan na siya ng mga iyon. Sa huli ay naipasok na rin niya ito sa loob. Mabilis na napaupo siya sa kanyang couch at saka huminga nang malalim. Kinalma niya ang sarili at baka hindi na naman siya makahinga. Nang kumalma na ang kanyang paghinga ay saka siya tumayo para asikasuhin ang kanyang mga pinamili. Pagkuha niya pa nga lang ng mga bag ay nag-ring na ang telepono niya. Umungot ulit siya roon at hindi na muna iyon sinagot. “Tsk. Sino ba kasi ang tawag nang tawag?” rant niya pa habang inaayos ang kanyang mga pinamili. Tinabi niya muna ang kanyang cell phone sa may center table bago inihanda ang kanyang t-in-ake out na pagkain. Nang maihanda niya iyon ay saka siya bumalik sa pagkakaupo sa sofa at doon kumain na. She just got herself a very big burger and an iced tea. Kumagat siya roon at napapikit na lang siya habang dinadama ang kanyang pagkain. She was in the middle of munching her burger when her phone rang again. Napakunot tuloy ang kanyang noo at agad na kinuha iyon. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay napairap na lang siya. Sinagot niya ang tawag na iyon. “What?” bungad niya pa kay Kier. Unlike noong tinawagan niya ito na tulog, nakangisi ang loko ngayon sa video call. “Hey! What’s up!” Mas nagsalubong ang kilay ni Naddie sa kanyang kababata. “What na naman? I’m fine here. Ano na namang kailangan mo?” tanong niya pa. Sumimangot naman sa kanya si Kier. “Grabe ang sungit ha. Mangungumusta lang naman ako. You went shopping already?” Tinanguan niya ito. Mas humalakhak ang magaling niyang kababata. “Oh, kumusta bulsa mo?” tila nang-aasar na sabi pa nito. Sumimangot lang siya rito. Napatingin din tuloy siya sa kanyang pinamili tapos ay kinuha ang kanyang wallet para tingnan ang kanyang cash. Nakagat niya pa ang kanyang labi nang makita iyon at nang maalala kung gaano na lang karami ang cash na nakatago sa kwarto niya. “Oh, anyare?” Tumawa na naman si Kier. Ngumuso siya at sinamaan lang ulit ito ng tingin. Sumimangot siya rito at saka napailing. “Kailangan ko gna yatang magtipid na. Hindi ko pa naman alam kung hanggang kailan ako rito,” aniya pa. Nagsalubong ang kilay ni Kier sa kanya. “Why? Inubos mo na agad sa shopping?” tanong pa nito. Kumagat muna siya sa kanyang burger bago umiling. “Hindi naman. Baka lang ma-short ako?” She munched on her burger again. “I can send you some.” Nagkibit-balikat ito. Sumama ang tingin niya rito. “No! Hindi pwede!” “Come on. Seriously?” “Hindi nga. Huwag makulit.” Kier rolled his eyes. “Tsk. fine. Kasi naman. Paano kung maubusan ka riyan?” nag-aalalang tanong pa nito sa kanya. Mabilis na umiling lang siya rito. “I’ll just cross the bridge when I get there.” “The f**k? Aren’t you scared kung anong mangyari sa iyo riyan, ha? You’ll never know, Nads.” Tumaas ang kilay niya rito. “So what? I have been scared all my life, it’s time to be free here, Kier. I’ll be fine,” paninigurado niya pa rito. Inubos niya ang pagkain tapos ay uminom na rin siya ng iced tea. Napatitig na lang sa kanya si Kier at dahil siya ang boss sa kanilang dalawa ay wala na rin naman itong nagawa kundi ang sumang-ayon. “Alright, ikaw bahala,” sabi na lang nito. Tumango na siya rito. “Sige na, mag-aayos pa ako ng mga pinamili ko.” “Ohh okay, panoorin kita.” Abot-tenga ang ngisi ng lalaki sa kanya. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Totoo ba?” weird na tanong niya rito. Tumawa lang ang magaling niyang kaibigan at saka tumango lang. Napailing na lang ulit si Naddie bago niya inilapag sa lamesa ang cell phone. Hinayaan niya lang magkwento roon si Kier habang inaayos niya ang kanyang mga pinamili. Wala namang kakwenta-kwenta iyong kadalasan sa mga kinukwento nito kaya hindi na rin siya sumasagot pa sa lalaki. Tungkol lang naman iyon sa mga party at kung anong ginagawa nito sa Pilipinas. Sa tuwing nagbubukas kasi ito ng topic tungkol sa pamilya nila na hanggang ngayon ay mukhang nagkakagulo pa rin ay umiiwas siya. Alam niyang galit pa rin ang daddy niya ngayon at sobrang gulo pa rin sa Pilipinas ngayon kaya hindi na niya nais pang makaalam ng kung ano mang tungkol doon. Baka mas lalo lang kasi siyang ma-stress. Pinagpatuloy niya ang pag-aayos at habang nagkukwento si Kier ay may bigla na lang siyang naalala. “Kier?” “Oh?” “Iyong p-in-ost mo…” “Anong post?” “Iyong recent. Iyong picture.” “Oh what about it?” Napatigil siya sa pag-aayos ng mga damit at nilingon ang lalaki. Chill lang itong nakaharap sa laptop at kumakain pa ng donut. “Who was that guy na kasama mo?” Saglit na natigilan ito sa pagkain at hinarap din siya. “Bakit? Sino roon?” Nangunot din ang noo niya at inalala ang picture na iyon. “Iyong katabi mo.” “Dami kong katabi roon.” “Ugh!” Napairap na lang si Naddie. “Seriously?” Tumawa si Kier. “Saan nga roon?” “Iyong mas mataas sa iyo, medyo moreno, naka-trunks!” “Naka-trunks kami lahat! At ang dami noon!” Mas lalo itong humalakhak sa kanya. Mas lalo namang nainis ni Naddie. “Kainis!” “Pft! Bakit ba kasi? Crush mo?” Ngumisi ito sa kanya. Sinamaan niya lang ulit ito ng tingin. “Huwag na! Tsk.” Inirapan niya ito. Mas bumulanghit ng tawa si Kier sa kanya. Napailing na lang siya at hindi na ito pinansin. *** Sinamahan siya ni Kier hanggang sa matapos siya sa kanyang pag-aayos. It was around 9 in the evening already when she decided to go to sleep. Hindi pa naman talaga siya inaantok, gusto niya lang mag-end ng call at ang kulit na naman ni Kier. Nakatingin sa kisame si Naddie habang nakahiga na. Madilim na sa labas pero maingay pa rin. Napatitig siya sa may bintana ng kanyang kwarto. Kahit anong pikit niya kanina pa ay hindi pa rin siya makatulog. Naghintay pa siya ng ilang minuto, nagbabakasakaling makatulog na talaga siya pero wala talaga. Sa huli ay napabalikwas na lang siya ng bangon. Umalis siya ng kama at lumabas. She thought about getting herself a glass of milk, but then on her way out, she thought of something else. Sa huli ay sa balcony siya pumunta para magpahangin. Iginala niya ang tingin sa buong city na kitang-kita mula sa kanyang puwesto. May iilan pang pumapasok sa building niya. Habang nakatitig sa ibaba, parang gusto na rin tuloy niyang lumabas. Napanguso siya. Umalis na rin siya roon at lumabas ng apartment. Kinuha niya lang ang kanyang coat, cell phone at wallet at bumaba na nga siya. Sobrang tahimik na ng paligid dahil sa gabi na nga. Pagbukas ng elevator, mabilis na lumabas siya roon nang biglang bumangga siya sa kung saan. “Ano ba!” medyo inis na sambit niya dahil malakas ang pagkakabangga niya sa kung sino. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. “Sorry, Miss.” Saglit na natulala si Naddie habang nakatitig sa mukha ng estrangherong nabangga…o estranghero nga ba? “Oh my gosh…” naibulong niya at natuod sa kinalalagyan niya. “Excuse me?” kunot-noong tanong ng lalaki sa kanya. Napalunok pa siya. Sa sobrang gulat niya ay mabilis niyang tinulak ang lalaki at saka siya mabilis na umalis doon. “Sungit naman, Miss!” rinig niya pa pero hindi niya pinansin. Napakurap-kurap na lang siya habang mas binilisan ang lakad palabas ng building. “Siya na naman?! What the heck?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD