Hindi alam ni Naddie kung nakailang irap na siya sa lalaking kanyang katabi. Ngising-ngisi naman si Dee sa kanya na tila ba hindi pinapansing naiinis siya rito. Nakatitig lang ito sa kanya at tila walang balak na umalis sa kanilang kinatatayuan habang siya naman ay panay ang paggawa ng paraan para makaalis sila roon. Paano kasi, nasa gitna na sila ng dance floor at dahil nagwawala na ang mga tao ay hindi siya makahanap ng tyempong umalis. Ayan stuck tuloy silang dalawa ni Dee doon. “Bwisit,” naiinis na bulong niya pa at napapadyak na sa kinalalagyan. Narinig niya naman ang pagtawa ng kanyang magaling na katabi. Sinamaan niya ito ng tingin. “What are you laughing at?” masungit na tanong niya rito. Tinawanan lang din siya ni Dee. “Grabe naman, ang sungit.” “Bakit kasi ang kulit mo?!”