“Kier! What the hell, umayos ka nga! Ughh!” Halos pumutok na sa sobrang inis si Naddie habang tinitingnan ang kanyang magaling na kaibigan habang inaalalayan ng mga kasamahan nito. Lasing na iyong kaibigan niya at mukhang pati iyong kaibigan ni Dee ay ganoon din. Sila lang ni Dee ang mukhang sober ngayon at iyon ang mas ikinaiinis niya. Hindi siya babysitter ng mga ito, no. Pero ngayon ay mukhang siya pa ang mag-aalaga sa mga lalaking ito. Hindi siya makapaniwala! “Ughh!” she groaned again before marching towards her room. Ramdam niya naman ang titig ni Dee mula sa sofa kung nasaan ang dalawa nilang kaibigan. Bwisit na bwisit na siya nang ibagsak ang kanyang sarili sa kanyang kama. Napailing pa siya habang masama pa rin ang titig sa mga lalaking nasa kanyang living room. Ang galing n