“Tsk. Hindi mo ako kailangang samahan,” nakaismid na sambit ni Naddie kay Dee at saka siya humalumbaba sa kanyang bar counter. Nakasandal naman doon sa gilid si Dee habang nakatitig sa kanya. Medyo naiilang pa siya rito kaya hindi niya ito matingnan nang maayos. “I just want to accompany you. I mean, after all, sobrang abala namin sa iyo rito.” Marahang tumawa pa ang lalaki. Umirap lang ulit siya rito at umiling. Kinuha niya ang baso ng gatas niya at ininuman iyon.Ramdam niya pa ring nakatitig sa kanya si Dee pero hindi niya pinansin ang mga titig ng lalaki. Kahit na naiilang ay pinilit niya ang sariling tumingin lang sa ibaba. Sobrang awkward na naman kasi ng sitwasyon nila at ewan din ba niya kung bakit parang tanga ang lalaking nakatitig lang sa kanya. Ramdam na ramdam pa naman ni