“I’m worried na, Naddie! Bakit ka ba kasi umiiyak?” Hindi na alam ni Meera ang gagawin habang nakatingin kay Naddie na panay ang iyak habang naka-indian sit sa sofa. Marahas na pinahid ni Naddie ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi. “Because of that jerk! Bwisit siya, Meera. Bwisit siya! Nakakainis!” Panay ang pahid niya sa kanyang mga luha habang panay rin naman ang pagtulo nito sa kanyang pisngi. Napanguso siya habang humihikbi pa rin. Ramdam na ramdam niya ang titig sa kanya ni Meera. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang pag-upo nito sa kanyang tabi. Hinaplos nito ang kanyang likod. “Inis lang ba talaga iyan? Naddie, why are you so affected with him?” nagtatakang sambit nito sa kanya. Suminghot si Naddie at saka tiningnan ang kaibigan. Meera was so worried about her. Kit