“Family lawyer? Bakit kailangan ng abogado? I don’t understand…” Naiiling na nakatitig lang si Dee sa kanyang cell phone. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sinabi nito sa text. He still couldn't believe it. “Dee?” Natigilan lang siya nang marinig ang boses ng kanyang ina mula sa labas. Gabi na at nasa kwarto na siya. After niyang matanggap ang text ng ina ni Naddie ay nagmadali na siyang umuwi kanina. He wanted to call the number to verify what was said in the text but he decided against it. He still couldn’t process it. “Mom?” “Halika na, kumain na tayo.” Napabuga siya ng hininga. “Alright, Mom.” Tumayo siya at lumabas na rin ng kwarto. Naabutan niya sa labas ang ina niya na nakahalukipkip habang hinihintay siya. Nangunot tuloy ang noo niya rito. “Alam ko ang nangyari