“So when are you getting discharged?” Nagkibit-balikat lang si Naddie sa tanong ni Meera. Nag-make face naman ang kaibigan niya sa kanya. Hindi na siya nagsalita at kumuha na lang ng sliced apple sa harapan niya. “Hmm. Alam mo, our last gig was so lit! I mean, remember iyong place na gusto talaga nating puntahan to make gig? Gosh! Girl, it was so nice!” Pumalakpak pa si Meera habang nagkukwento. Nilingon ito ni Naddie. Agad naman itong natigilan. Nanlaki ang mga mata nito at agad na nasapo pa ang bibig. “Sorry…I didn’t mean to be insensitive…” sambit pa nito. Agad na nagsalubong ang kilay ni Naddie. Bahagya siyang natawa sa sinabi ni Meera. “Okay lang. Paano ka naman naging insensitive?” Napailing na lang sita rito. Ngumuso pa si Meera sa kanya. “Hmm kasi I kept on telling our