“Hindi ka raw kumain…” Saglit na gumalaw si Naddie sa pagkakahiga. Narinig niya ang pagsarado ng pinto ng kanyang kwarto. Naramdaman din niya ang pag- upo sa tabi ng kanyang kama. Kinagat niya ang labi at saka saglit na gumalaw. Naramdaman niya ang paghaplos ng kanyang ina sa kanyang balikat. Naramdaman din niya ang pagtabi nito sa kanya kaya medyo gumalaw siya hanggang sa humarap na rin siya rito. Nagkaharap sila ng kanyang ina. Ngumiti ito sa kanya tapos ay hinaplos ang kanyang mukha.”Bakit nagmumukmok ka na naman? Akala ko ay okay ka na at nagsusulat ka na ulit. May nangyari na naman ba?” tanong pa nito sa kanya. Hindi agad sumagot si Naddie. Saglit na nakatitig lang siya sa kanyang ina, hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya kasi ay iiyak na naman siya kapag k