“Naddiie. OMG! Nag-alala kami sayo! Sobra!” Tanging tingin lang ang ibinigay ni Naddie sa kanyang mga kaibigan nang dumalo ang mga ito sa kanya. Niyakap siya ni Meera pero hindi siya umimik. Bukod sa naka-oxygen pa rin kasi siya ay hinang-hina pa rin siya at pakiramdam niya maliit na galaw lang ay hindi na naman siya makakahinga. Nakaupo sa tabi niya si Meera habang ang mga lalaki naman ay nakatayo lang sa paanan niya at masuyo siyang pinagmamasdan. She hated to be looked at like that. Ayaw niyang kinakaawaan siya. She hated how everyone was pitying her, but then at that moment, she just couldn’t voice it. Totoo namang nakakaawa siyang tingnan. It nga ang iniiwasan niya eh. The moment she agreed to the treatment, this is what she will be facing everyday, and that’s not even a guarant