“Anong kinalaman mo roon, Dee Martin?!” Dumagundong ang boses ng papa ni Dee sa buong hallway ng hospital. Hindi niya ito sinagot. Nanatili ang kanyang atensyon sa pinanggalingan ng mga magulang ni Naddie. Gustong-gusto niyang sumunod sa mga ito at puntahan si Naddie sa kwarto nito pero sa sinabi ng ama nito kanina, mukhang hindi siya pwedeng lumapit sa dalaga. ‘f**k!’ Naikuyom niya na lang ang kamay at saka napapikit na lang. Nabalik lang siya sa reyalidad nang bigla siyang yugyugin ng kanyang ama. “Dylan, ano ba!” Mabilis siyang nilayo ng ina sa ama. Galit na galit ang mga mata ng kanyang daddy. “What the hell did you do to that girl?! Itinakas mo siya?!” bulyaw nito sa kanya. Umigting ang panga ni Dee. “I didn’t do anything, Dad!” hindi na rin niya napigilan ang magtaas ng bo