“Sorry…I’m sorry, Naddie. I’m so sorry. Don’t give up, please…fuck!” “What happened?! What did you do to my daughter?!” “Tito, I’m sorry…I’m sorry…” Malinaw ang mga salitang narinig ni Naddie pero bukod sa kanyang naririnig ay wala na siyang ibang nararamdaman. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nakapikit na rin siya kaya hindi niya alam kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Humina ang mga boses. Pahina nang pahina hanggang sa tuluyan na siyang walang narinig. Samantala, nakatulala si Dee sa may waiting room ng emergency room. Hilam ang kanyang mukha sa mga luhang kanina pa patak nang patak. Hindi malayo sa kanya, nakapuwesto naman ang mga magulang ni Naddie. Umiiyak si Saia sa dibdib ng kanyang asawang si Duke. Naihilamos ni Dee ang dalawang kam