“f**k…” “Hmm.” Naddie couldn’t help but moan when she felt Dee sucking her lip. Bahagya siya tinulak ni Dee palayo. “Wait, baby,” bulong nito sa kanya. Parag batang sunod-sunuran naman siya rito. Tumayo ito habang siya ay nakaupo pa rin sa sofa at parang lumilipad sa ulap. Lasing na lasing siya sa mga halik nito. Napasandal na lang siya sa likod ng upuan. Sigurado siyang may mga pagsisisihan siya pagkatapos ng gabing ito at sigurado rin siyang matatangahan siya sa kanyang sarili kinabukasan pero wala na. She just didn’t care anymore. She watched as Dee looked outside. Bumalik din naman agad ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito patayo at otomatiko naman niyang ipinulupot ang dalawang braso sa leeg nito. Ipinalibot din ni Dee ang mga kamay nito sa kanyang bewang