Nasilaw si Naddie sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. Napaungot siya. Niyakap niya ang unang nasa kanyang gilid kaya lang naramdaman niya rin itong yumakap sa kanya. Nangunot ang kanyang noo at agad na nagdilat ng mga mata. Sumalubong sa kanya ang mapayapa at mapupungay na mukha ni Dee Martin. Napasinghap siya at agad na napabalikwas ng bangon. Muntikan pa siyang mapasigaw sa gulat nang mapagtantong hubo’t hubad siya at tanging ang tumatakip sa kanyang katawan ay ang kumot na share pa silang dalawa. Nalaglag ang kanyang panga at mariin siyang napangiwi nang makaramdam ng hapdi sa kanyang p********e. “f**k,” mura niya at minasahe ang kanyang ulo. Hindi siya lasing kagabi pero ang alam niya ay pasikat na rin ang araw nang makatulog sila! Agad niyang tiningnan ang kanyang cell ph