What does it feel to have someone else’s body part inside you? Iyan ang palaging naiisip ni Naddie sa tuwing nakikita niya ang mga heart transplant operation sa mga medical series na nakikita niya before. Siya pa nga ang natatakot para sa mga nag-uundergo ng mga ganoong transplant. She always wondered how that felt. And right now, she will be able to experience it. Before ang operasyon, gumugulo na talaga sa kanyang isipan kung ano nga kaya ang magiging pakiramdam niya pag bago na ang kanyang puso. Will she be the same? “Alright, Naddie, how are you feeling?” tanong ng doktor kay Naddie. Iginala niya ang tingin sa buong paligid at puti ang kanyang nakita. Nakakasilaw rin ang mga ilaw at ang sinag ng araw mula sa bintana. “Naddie…anak…” sambit ng isang mahinang boses sa kanyang tabi.