“What the hell are you doing here?!” Mabilis na isinara ni Naddie ang pinto. Pinanlakihan niya ng mga mata si Dee. Agad niyang tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaki. Nakapantulog na ito at halatang patulog na talaga ito nang tumawag siya. Hindi makapaniwalang napatitig na lang si Naddie kay Dee. Humihingal pa ito na para bang tumakbo ito ng marathon. “It’s true right? It’s true?” Unti-unting sumisilay sa mukha nito ang isang ngiti. Nakagat na lang ni Naddie ang labi bago marahang tumango. Napasinghap si Dee at doon na ito tuluyang ngumiti. Nang mag-angat ng tingin si Naddie ay halos hindi mapigtas ang ngiti ni Dee. Ngumuso siya rito. Para namang hindi alam ni Dee ang gagawin. Pakiramdam niya may gusto itong sabihin o gawin pero hindi nito maisatinig. “What? You may want to say