KABANATA 21 Izaiah Hezekioh's POV "Ginoong Izaiah, marami na rin akong nabasang libro simula pa kanina pero wala akong nakitang sagot,” saad ng uwak. May hinahanap akong libro tungkol sa mga Prinsesa dito sa silid aklatan ng mansion, kung wala kaming makitang sagot kung bakit hindi pa naging bampira si Fiona ay mayroon din itong dahilan. "Kung wala tayong makitang sagot, malamang may dahilan rin ito kung bakit." "Tama ka Ginoong Joziah, at may kakaiba akong nararamdaman sa paligid." "Basta may nararamdaman kang kakaiba ay may kasunod itong pangyayaring hindi natin magugustuhan." "Nagmamasid ako sa paligid para may masagap akong impormasyon kung may mga kalaban." "Tama ang ginagawa mo, uwak." "Lilisan na ako ulit para magmasid.” Tumango na lang ako at lumipad na siya palayo. Umal