KABANATA 22 Zarkuz Xahir’s POV Na'ng matapos ako sa aking ginagawa, umaga na ako naka-uwi ng mans’yon at naabutan ko ang aking Prinsesa na sinsusuklay ang kaniyang eleganteng buhok. Napansin niya agad ako at ngumiti siya sa akin. "Nais mo bang tulungan kita, aking Prinsesa?" tanong ko. "Kung gusto mo Zarkuz." Dahil sa pahintulot ko, lumapit ako sa kinaroronan ng aking Prinsesa at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang suklay at maingat kong sinuklay ang mahaba niyang buhok. "Ang lambot hawakan ang iyong buhok mahal ko." "Oo nga Zarkuz, lagi kong sinusuklay 'to." Sagot ng aking Prinsesa na malumanay ang kaniyang boses. Noong una naming pagkikita, kamukhang kamukha niya si Izabella pero mas mabango ang amoy ni Fiona tila maaadik ka kapag nakalapit kana sa kaniya, hindi iyon nanggagaling sa