Chapter one hundred forty three LOU Inaalala ko si Terrence ngayon dahil pakiramdam ko nag usap na sila ng mama niya, yung pumunta dito kahapon. Nahihiya naman ako magtanong, basta pakiramdam ko nagkausap na sila ng mama niya. Nahuli siya ng punta dito kahapon at malamang ako yung pag uusapan nila. Kahit ilang araw na kaming magkasama ni Terrence dito ay nagkakailangan parin kami lalo na tuwing magkakasalubungan kaming dalawa. “ May tumatawag ata sayo.” Sabi ko, kase kanina ko pa napapansin yung cellphone niya na tunong ng tunog. Hindi niya ako pinansin kagay ng cellphone niya, mukhang mahalaga yung tumatawag, kanina pa kase yun. Hindi ko naman pwedeng pakealaman yung cellphone niya, baka yung mama niya yun o kaya yung nobya niya. Nahihiya na talaga ako dito, ano na lang magiging tin