Chapter one hundred forty four TERRENCE Nagtatampo sa akin si mommy, iba pala ang pakiramdam kapag ang magulang na ang masama ang loob sayo, kaso wala naman kase sa katwiran ang gusto nila para sa akin, hindi nila ako naiintindihan. I have no choice but to decline what she wanted for me. Nalilito na rin ako kung minsan. Lalo at wala pa akong gaanong maalala sa nakaraan ko, yung tungkol sa amin ni Eloisa ang gusto kong maalala kaso bakit ganun? Parang yung utak ko na mismo ang kusang nagbura ng ala ala namin? Kung talagang mahal ko si Eloisa noon madali lang para sa akin ang makaalala. Pero bakit ganun? Wala talaga akong maramdaman sa kaniya, nakikisama lang ako dahil kagaya nga ng alam ng lahat sya ang nobya ko dati at pakakasalan. Ayaw ko naman balewalain ang nararamdaman niya, tao