Chapter one hundred fourteen TERRENCE Normal na araw lang talaga ito para sa akin, pero may hindi inaasahang bisita ang magpapakita sa akin dito sa resort. Yung tinakbuhan kong si Cedrick nandito sa resort namin at nasa VIP siya, hindi ko nalaman yun sa log book namin or sa mga customer list, nakita ko siya mismo malapit sa kitchen at umorder siya sa akin ng breakfast. Nakikiramdam lang ako sa kaniya pero may kasama pala siya, ang tawag niya uncle pero parang kakaiba sila kung kumilos. Hindi ako nagpahalata sa kanila na kapansin pansin na may kakaiba sa ikinikilos niya at ng kasama niya, parang hindi naman sila magkamag anak. Kinuha ko lang orders nila at umalis na, dinala ko sa chef dahil wala naman doon yung isa nilang crew kaya ako na muna tumulong pero hindi ako yung naghatid ng