Chapter one hundred thirteen CEDRICK Napapatulala tuloy ako habang nasa opisina, hindi ko maiwasan hindi isipin si Terrence, kahit na nasa gilid ko ang secretary ko at kung ano anong pinagsasabi tungkol sa schedule ko ay hindi ko magawang magconcentrate. “ Sir naintindihan niyo po ba sinabi ko?” “ Ano ulit?” tanong ko habang nakataas ang paa sa mesa. Hindi naman kase ako nakikinig, nakatulala ako sa malayo dahil iniisip ko kung saan hahanapin si Terrence, ay iniisip ko rin kung yung mga nakikita ba namin na kahawig niya noon sa Palawan ay siya din kaya iyon? Ang natatandaan ko kaseng binanggit sa akin ni Eloisa na pangalan ay Zandro, kahawig ni Terrence yung nasa video pero hindi siya nakita ng malapitan ni Eloisa, kaya naman gusto kong malaman kung siya din lang yun, pero nasa Palawa