Chapter one hundred twelve CEDRICK Nasa bahay ako ng may tumawag sa akin, hindi ko nanaman kilala kaya baka sa opisina, sinagot ko lang pero nabosesan ko nanaman si Terrence. Alam kong siya talaga ito, nakipag usap ako sa kaniya at gusto ko talaga makipagkita din sa kapatid ko, yun nga lang pinipilit niyang hindi siya si Terrence kaya naman nagsabi ako ng lugar na pwede naming puntahan bukas para magkita. Hindi ako sigurado kung pupunta siya, nakaraan kase hindi rin siya pumunta pero hinintay ko siya doon ng ilang oras. Ngayon pagbibigyan ko nanaman siya, kahit isang oras lang ako maghintay doon dahil malapit lang din sa kompanya yung sinabi kong lugar. Alam ni Terrence ang lugar na iyon dahil madalas siyang umorder ng kape doon. Kinabukasan maaga akong nagising at doon na ako nagbre