Chapter one hundred eleven TERRENCE Mabuti na lang umabot ako sa hotel, para akong aatakihin sa puso kanina sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko, inasahan kong may susunod sa akin pero mukhang hindi naman ako nasundan nung Cedrick. Napasandal ako sa gilid ng pintuan. Kinakalma ko ang aking sarili dahil bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Yung cellphone na ginamit ko na pantawag kay Cedrick ay tunog ng tunog, iniwan ko yun dito sa may mesa at pagtingin ko halos makailang beses na pala siyang tumatawag sa akin. Inoff ko yung phone at tinanggal yung sim. Kumakalma kahit kaunti yung dibdib ko, grabe yung bilis ng t***k ng puso ko kanina, hindi ko kase talaga inasahan yung sasabihin sa akin nung Cedrick, ang iniimagine kong mangyayari ay makakausap ko siya ng maayos tungkol kay Terrence,