Chapter one hundred forty seven TERRENCE Paglabas ko ng kwarto para puntahan sana si Lou ay napansin kong hinihintay ata ako ni mommy at daddy sa living room. Dumaan ako sa gilid nila at nagpaalam para umalis na pero. “ Sandali anak.” Sabi ni mommy. “ Ano po yun mommy?” “ Palagi ka na lang natutulog sa tinutuluyan ng babaeng—I mean ni Lou.” “ Wala po siyang kasama sa bahay, maselan din po ang pagbubuntis niya kaya kailangan niya ng kasama lalo sa gabi.” “ Kung ganun, dito mo na siya patuluyin para hindi ka na umaalis, dito ka na matulog namimiss na rin kita anak, saglit ka lang dito sa bahay palagi at aalis ka na agad, kaya papuntahin mo na lang si Lou dito, atleast kahit wala tayo dito may mga makakasama naman siya.” Nabigla ako sa offer ni mommy kaso nag alangan din ako, gusto ka