Chapter one hundred forty eight LOU Kakarating lang nila Terrence at ng mama niya, narinig ko kase yung sasakyan nila kaya dumiretso na ako sa may kwarto ko, kanina nasa sala lang nila ako at nakaupo. Nahihiya kase ako makisalamuha sa kanila lalo sa mama niya. Mabuti na lang malalaki ang bintana dito, doble sa pintuan ang laki at maski kurtina kaya kahit dito lang ako sa kwarto kita ko naman ang labas ng bahay kapag nakaupo ako malapit sa bintana. Biglang may kumatok sa kwarto ko kaya napalingon agad ako, bukas naman iyon kaya pumasok na agad si Terrence. “ Kumain ka na ba?” “ Nagmeryenda lang kanina.” “ Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.” “ Ako na lang kukuha.” “ Sige sumama ka sa akin sa kitchen.” Sumunod na lang din ako sa kaniya, nasa may sala yung mama ni Terrence at n