Chapter one hundred forty nine LOU Umalis din lang si Eloisa ng makuha na niya ang kailangan niya, mabuti na lang may kasama ako dito, hindi rin siya nagtagal. “ Umiwas ka na lang sa kanila.” Bulong sa akin ni ate Terry. “ Umiiwas naman po ako kaya nga ayaw ko muna lumabas.” “ Iba ugali talaga ni madam, lalo nung Eloisa.” “ Kilala niyo na po ba matagal na si Eloisa?” “ Nakikita lang namin dito, napakamaldita, mabait kapag kaharap si sir Terrence at ang pamilya niya pero may kalokohan din yan.” “ Anong kalokohan po?” “ Huwag kang maingay ha, pangako mo huwag mong sasabihin kay Terrence ito.” “ Oo naman ate, ano po ba iyon?” “ Noong nakaraang buwan lang nagpunta sila dito dahil gusto nga nilang mapalapit muli si sir Terrence kay maam Eloisa, kaya madalas dito si maam, tapos alam m

