Chapter fifteen LOU Pakiramdam ko atat na makaalala si Terrence, dahil kaya sa akin? Wala naman akong ginagawa pero pakiramdam ko talaga dahil sa akin. Grabe ang kaba ko kanina, mabuti na lamang nalulusutan ko dahil sa mga pagsisinungaling ko sa kaniya, ang hirap gumawa ng kwento na pwedeng paniwalaan niya. Iniisip kong mabuti ang kahihinatnan ng mga sasabihin ko sa kaniya katulad kanina, ngayon ko lang siya ipinakilala sa bahay pero malapit na kaming ikasal, malamang magtataka siya, kaya dinahilan ko na lamang yung matandang lalake na gustong ipakasal sa akin nila mama at papa. Wala na akong maisip na iba, mabuti na lang malawak ang intindi ni Terrence. Isa pang nalusutan ko ay yung negosyo niya kunwari, kapag sinabi kong meron ano naman ipapakita ko? Pero ang alam nila mama at papa