Chapter ninety three TERRENCE Nakasandal lang ako sa upuan, pinagmamasdan ni manong habang nagbebenta ng mga paninda niya, sinabi ko kase na ipapahinga ko muna ang ulo ko dahil masakit. “ Ano na sir? Dalhin ko na ba kayo sa ospital?” “ Hindi na, kaya ko na talaga.” “ Sigurado kayo sir? Namumutla na po kayo.” “ Kaya ko.” Kanina kase gusto ko siyang tanungin ng tanungin kaso para akong nasusuka kaya naman pinapakalma ko ang katawan ko. “ Manong may itatanong po ulit ako sa iniyo.” “ Sige lang sir, ano po iyon?” “ Manong ayoko sana sabihin sa iniyo ang kalagayan ko dahil wala naman nakakaalam, may amnesia ako at hindi ko talaga matandaan ang nakaraan ko, bigla niyong nabanggt ang pangalang Terrence at tinawag akong ganun pero ang nakagisnan kong pangalan ay Zandro, nalilito ako sa mga