Chapter ninety four LOU Mabuti na lang makakauwi na kami ni Terrence, hindi talaga ako mapakali kapag nasa Maynila kami, lalo na noong nasa kompanya siya, hindi ko maiwasan na mataranta, tapos bumalik pa siya doon kinabukasan, malapit lang naman sa kompanya dahil naglibot libot kami upang mahanap ang kaniyang mga kamag anak. Nahilo ako noong araw ding iyon, hindi biro yung init dito sa Maynila kesa sa lugar namin, mainit man doon pero dito iba parang yung buga ng hangin dito sa Maynila ay mainit din hindi siya fresh air. Noong ikatlong araw na tsaka na kami namasyal, doon medyo gumaan na ang pakiramdam ko, nawawalan na siya ng pag as ana mahanap ang mga inaakala niyang kamag anak, ang pinagbabasehan lang naman niyang lugar ay ang kaniyang panaginip at yung mga sumasagi sa isipan niya.