Chapter ninety five TERRENCE Isang araw akong hindi pumasok kase may sakit si Lou, kinaumagahan maayos naman na siya pero hindi ko parin siya pinabalik sa trabaho, papasok ako ngayon ng half day, sayang ang kita, wala na rin kaming naiipon, kailangan kong magtrabaho muna. Sinabi ko naman kay maam Eloisa na half day lang ako, madalang lang din ang customer namin dahil umuulan ulan. Mabuti nga at nakatagpo ako ng mabait na boss. “ You can rest after that.” Sabi sa akin ng boss ko. Hindi ko pa break time pero pinagpapahinga na ako, hindi rin kase pwede na ilang oras na tutok sa computer masakit sa mata at ulo lalo alam ni maam Eloisa ang kalagayan ko. Sumandal ako sa upuan at pumikit, bigla akong nakaisip ng gagawin pero ayoko na maguluhan, nahihirapan ako makatulog kung minsan kapag m