Chapter ninety six LOU Bakit paiba iba itong pakiramdam ko, minsan masigla ako tapos minsan para akong pagod na pagod kahit na gawaing bahay lang naman ang ginawa ko, dati naman akong gumagawa ng gawaing bahay pero sobra naman ang pagod ko. Baka may sakit na ako? Baka yun ang karma ko sa ginawa ko kay Terrence. Hays, hindi ko na alam ang iisipin ko, maagang nakauwi ang asawa ko at pinilit ko maging maayos kahit na para akong hingal na hingal, malubha na ata ang sakit ko, ito siguro ang kapalit ng panloloko ko sa asawa ko, este pagtatago pala ng tungkol sa tunay niyang pagkatao. Pero ganun na rin yun, manloloko parin ako sa paningin niya kapag nalaman na niya ang totoo tungkol sa pagkatao niya. Nabigla nga ako ng banggitin niya sa akin ang buong pangalan niya, Terrence Monteverde, hin