Chapter one hundred twenty nine TERRENCE Halos araw araw ang therapy ko at sinasamahan ako palagi ni mommy, si daddy kase abala sa kompanya at inaasikaso niya ang pagpapakilala muli sa akin, yun ang narinig ko sa usapan nil ani mommy, ibabalik niya akong muli sa kompanya pero siya ang magtuturo sa akin ng mga nalimutan kong gawain. May pagkakaabalahan na ako at pagkakakitaan, pumayag na lang din ako dahil mukhang kaya ko naman at nagbabakasakaling bumalik din ang mga ala ala ko sa kompanya. Parang wala din naman nangyayari sa araw araw kong pagpunta sa doktor, siguro dahil nandito na ako sa tunay kong pamilya at kusa na lang siguro babalik ang mga ala ala ko, kagaya ng sinabi sa akin ng doktor ko sa Palawan na kusa akong makakaalala kung makikita at makakasalamuha ko araw araw ang mga