Chapter one hundred four LOU Ang aga aga pagod na pagod na ang pakiramdam ko, ano bang nangyayari sa akin? Pinipilit kong magtrabaho para naman may maitulong ako kay Terrence sa gastos namin dito sa bahay. “ Namumutla ka ang aga aga, ayaw mo bang magpacheck up Lou? Sabi mo sa akin nakaraang araw masama din pakiramdam mo, para naman mabigyan ka ng gamot.” “ Gastos pa yun, sayang naman. Iinom lang ako ng maraming tubig mawawala na ito.” “ Nako Lou, huwag mong pilitin maging maayos, halata naman sa itsura mo.” “ Sshh, huwag ka maingay baka tanggalin ako ng boss natin sa trabaho kapag nalaman nilang sakitin na ako.” “ Hindi yan, mas maganda kaseng magpahinga ka kesa naman ganiyan na pilit yang kilos mo, kinakaya mo lang, mas mahalaga ba sayo ang pera kesa sa kalusugan mo?” Hindi ako su