Chapter one hundred five TERRENCE Hindi alam ng asawa ko na umabsent ako ngayong araw, akala niya pumasok ako sa trabaho pero pupunta ako sa tulay kung saan naaksidente si Terrence. Hinatid ko muna si Lou sa trabaho bago ako pumunta doon, hindi na ako nagsabi sa kaniya dahil baka hindi rin niya ako payagan. Mag isa ko na lang din mag iimbistiga, hindi ko talaga siya matanong ng maayos dahil palaging masama ang pakiramdam niya, napansin ko kagabi na nanginginig ang kamay niya pero hindi ko alam kung bakit. Pagdating ko malapit sa tulay ay wala na yung mga nagtatrabaho, tapos may mga sasakyan na nakapark sa may gilid, kulay itim lahat at may mga bantay, mukhang may VIP na narito, bakit walang nagtatrabaho ngayon? anong meron? Hindi ako lumapit banda sa may tulay, doon ako pumunta sa lu