Chapter eighty four TERRENCE Pinursigi ko talaga na hanapin ang puntod ng mga magulang ko, dati ko pa balak gawin iyan kaso sumuko ako dahil nahihirapan ako sa sitwasyon ko noon. Ang hirap ng walang ala-ala, kaya naman dati gusto ko na lamang kalimutan ang lahat ng ala-ala ko sa nakaraan dahil hindi ko na kayang balikan, nalilito kase ako sa mga nangyayari, yung mga sumasagi sa isipan ko ibang iba sa nakikita ko sa personal. Kaso hindi pala pwede yun, na kalimutan na lang ang ala-ala sa nakaraan, babalik at babalik talaga siya sa akin dahil yun na ang naging daan sa pagkatao ko ngayon. Kaya naman pinursigi kong hanapin ang puntod ng mga magulang ko, wala akong kahit isang clue noon, maski kase kamag anak ko wala akong kakilala. Pero nitong nakaraang araw naghanap ako bakit ang dali k