Chapter eighty three LOU Binilin ni Terrence yung supolturero na kapag may nakita siyang lapida o kahit man lang kakilala na ang epelyedo ay Agustin agad niyang ipaalam sa kaniya, iniwan niya yung numero ng resort upang doon siya tawagan. Kumain muna kami, mabuti na lang may nakita kaming karindirya kaya doon muna kami nagpahinga, alam kong hindi pa siya titigil sa paghahanap sa kaniyang mga magulang. “ Sasama ka pa ba sa akin?” “ Oo naman.” “ Lilibutin ko ulit yung pangalawang sementeryo, huling pag asa ko na iyon, kapag wala pa sila doon baka isipin kong buhay sila, kaso nasabi ko ba talaga sayo na patay na talaga ang mga magulang ko?” “ Oo noon.” “ Pero bakit ganun?” “ Ang alin?” “ Bakit wala man lang akong maalala o sumagi man lang na ala-ala kung paano sila namatay, minsan k