Chapter one hundred nineteen TERRENCE Ito na ang huling araw ko sa resort at pinulong ni maam Eloisa ang lahat ng staff upang makapagpaalam di ako sa kanila ng maayos, hinandaan pa nga niya ako padespidida daw niya. Yung mga staff naman takang taka sa mga nangyayari. “ Go on Zandro, take your time to talk with them.” Lahat nakatingin sa akin, ang bigat sa pakiramdam kaya napapabuntong hininga ako. “ Good morning guys, siguro nagtataka kayo kung bakit pinulong kayo ni maam Eloisa, at may handa dito sa tabi.” Ganito pala ang pakiramdam ng magpaalam ng hindi sigurado kung kailan babalik. “ Nandito ako sa harapan niyo upang magpaalam ng maayos.” Kaniya kaniya na silang reaksyon ng marinig ang sinabi ko. “ Uy wag ka nga magbiro.” Sabi ni Kolas sa akin. “ Aalis ka na sir?” “ Oo, nagresig