Chapter one hundred twenty CEDRICK Nagpabook ako ng flight ngayon papuntang Palawan, and this time kasama ko ang mga high school friend ko, not a close friend, gusto ko lang may maidahilan kay Terrence dahil babalik nanaman ako sa resort na pinagtatrabahuan niya. Mahirap na baka mabuko pa ako. Napilitan lang talaga akong ayain silang magbakasyon, busy si Eloisa at ayaw ko rin siyang dalhin kung nasaan si Terrence ngayon. Nagpabook ako ng three days and two nights doon, hindi ko pa kase nakakausap ng maayos si Terrence, para kaseng umiiwas siya noon sa akin. Alam na ata niya na kakausapin ko siya tungkol sa pagkatao niya, ang balak ko naman kase ay pagkatiwalaan niya ako at hindi pagdudahan, para naman ipakita sa kaniya na hindi ako masamang tao. Kaso nga lang pagdating ko doon walan