Chapter one hundred thirty seven LOU Ang tagal nung nagbigay ng pagkain sa akin, isang oras na hindi pa siya bumabalik dito, yung Hulyo ang pangalan, hindi ko siya kilala pero mukha naman siyang matino, mahirap magtiwala dito sa Maynila dahil baka maloko nanaman ako, kagaya kaninang umaga nakita ko na nga na hawak niya ang pitaka ko tinatanggi pa rin niya. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto ko, paano kaya ako naging libre sag anito kagandang lugar? Baka mamaya bigla nila akong singilin ng malaki wala naman akong pambayad. Hindi pa bumabalik si Hulyo, ang dami ko pang katanungan sa kaniya. “ Magandang gabi maam!” ayan na pala siya, bumalik na. Nabigla pa ako dahil ang lakas ng boses niya. “ Saan ka galing at ano yang dala mo?” “ Bumili po ako ng airfreshiner at mga kailangan niyo