Chapter one hundred thirty six TERRENCE Late na ako nagising, sabi ng secretary ko eleven pa ng umaga ang first schedule ko ngayon, tamad na tamad akong gumalaw, maski almusal nilampasan ko na. “ Anak kumain ka na ba?” tanong ni mommy sa akin, nasa labas siya ng pinto ng kwarto ko ngayon. Binuksan ko ito dahil mukhang nag aalala sa akin ang mommy ko. “ Kagigising ko lang po.” Pagdadahilan ko pero kanina pa talaga ako gising, ayaw ko lang lumabas. “ Ganun ba, kumain ka na ng almusal.” Sinunod ko lang ang sinabi ni mommy para hindi siya mag alala sa akin, para akong baby dito minsan, hindi ako sanay dahil sa Palawan ako ang nag aasikaso kay Lou pero dito ako ang inaasikaso na parang bata, nakakailang minsan. Naghanda na rin ako para sa meeting mamaya, ako mismo ang haharap sa mga shar