Chapter one hundred thirty five LOU Grabe yung pagtitipid ko, kahit nagugutom ako sa gabi ay umiinom na lang ako ng tubig, hindi rin ako masyadong makatulog sa gabi dahil ang dami kong inaalala kaya naman nararamdaman ko ang gutom ko. Sabagay bukas na yung sinasabi nilang schedule ko para makita si Terrence, yung pera na hawak ko tinatabi ko lang talaga, ilalagay ko ang iba sa damitan ko, ang dadalhin ko lang ay yung magagastos ko ngayon, maski tubig nga hindi ako gaanong bumibili kakatipid ko, ang mahal kase. Medyo sumasakit ang tiyan ko pero kaya ko naman pumunta sa kompanya para makita si Terrence, ito na ang pagkakataon ko kaya hindi ko pwedeng palampasin. Maaga akong umalis dahil ang sabi nung nakausap ko ay alas dyes daw kailangan nandoon na ako, kaso nga lang kapag maaga pala