Chapter one hundred thirty four LOU Bukas na ang alis ko, nakaimpake na rin ako ng mga gamit na dadalhin ko, binigyan nga din ako ni Maribel ng mga pagkain kagaya ng biscuit at kung ano ano pa baon ko daw dahil alam niya kung gaano ako katakaw ngayon dahil sa pagbubuntis ko. Kahit papaano may panawid gutom ako. Sila mama at papa, gumawa ng daing para baunin ko, hindi naman ata pwede dalhin yun pero babalutin daw nilang mabuti yun para hindi mangamoy at hindi mapansin sa airport, paborito ko kase yung dinaing nila kaya gumawa sila kahapon matagal naman kase bago mapanis yun. Para na rin akong nagabroad nito dahil sa mga pinagbibigay nila sa akin. Natutuwa ako na nalulungkot dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik dito. Pinipigilan ko lang ang lungkot ko, ayaw kong ipakita sa k