Chapter twenty nine LOU Kahit nilutuan niya ako iba parin ang nararamdaman ko, selos ba tawag dito? Hays ewan, ang ganda naman kase nung boss niya, kakulay niya tapos bagay pa sila, parehong mukhang mayaman. Eh ako? Ganito lang, sabon lang ang panlaban, wala pang panlinis ng mukha o pampaganda dahil nagtitipid at wala pang sweldo. Kayumanggi ang kulay ko at maraming peklat sa binti. “ Mahal bakit ang tahmik mo?” “ Ah wala.” Sasabihin ko ba? Aamin naman kaya siya? Eh wala naman talaga siyang maalala, lasing siya kagabi at kung ano anong pinagsasabi, dapat siya ang magtatanong sa akin kaso parang ako ang maraming katanungan ngayon sa kaniya. “ Sigurado ka ba? Baka masama ang pakiramdam mo?” “ Hindi naman, ayos lang ako.” Nagmadali akong mag ayos at maligo dahil ayoko mahuli, si Terr