Chapter twenty eight LOU Maayos na ang lahat para sa kasal namin, inayos na namin ni Terrence noong nakaraang araw, kabang kaba nga ako dahil wala na talaga akong takas pero iniisip ko na lang mas mabuti na ito kesa doon sa matanda na dayuhan. Ilang araw na lang ang bibilangin at may asawa na ako. “ Bakit parang wala kang gana?” tanong ni Maribel sa akin. “ Pwede na akong lamunin ng dagat para maglaho na ako.” “ Huy, kung ano anong sinasabi mo.” Walang tao ngayon sa restaurant dahil maaga pa, pwede pa kami magkwentuhan ni Maribel. “ Kase naman malapit na akong ikasal.” “ Edi dapat masaya ka, bakit ganyan ka magsalita, hay nako Lou napakaswerte mo nga dahil ang pogi ng asawa mo tapos ganyan ka magsalita.” “ Pogi nga pero parang hiniram ko lang ang pagkatao niya para maiwasan ko yun